Friday, December 7, 2012

Unwanted Love (Chapter Nine)


Aieven: Ohh Hanna my dear. Looks like, hindi ka dapat magsaya ngayon.


Diane: Kawawa ka naman girl.


Aieven: Hahaha..wrong timing!


Hanna: Shut up! Turuan natin ng leksyon 'yang babaeng yan.


Aieven: Teka, sino 'yung girl?


Diane: Isang estudyante na hindi malaman kung pano naging A-Junior.


Aieven: So, sya ngayon ang bagong dine-date ni Josh?


Diane: I think so.


Aieven: Sa anong family clan din ba sya galing? Kasi, as far as I know..si Therese, 'yung first ever girlfriend ni Josh, came from the Valenciano Clan. Who's very famous in performing arts.


Diane: (chuckle) Yun na nga girl 'yung point Chance ehh. She's just a trash. Meaning..poor sila. No connections, no anything.


Aieven: What??!


Diane: Yah..kaya mas lalong ikinagalit ni Hanna.


Raine: I think, alam ni Jane 'yung tungkol sa kanya.


Jane: Ha??


Diane: C'mmon Jane, care to tell us. Diba nga alam mo 'yung school kung san sya galing?


Jane: Sige na nga. Bevelove Ylaya is her name. Nakatira sila sa gilid ng subdivision namin..sa isang squatter's area. We're on the same school..kaya ko sya kilala.


Raine: Pano nangyari yun? Diba sabi mo, 'yung school na pinanggalingan niya is a public school?


Diane: What the heck, Jane! You came from a public school?


Jane: NO! I came from LAMS. Hindi yung public school. Nagsinungaling lang sya..hindi sya galing sa isang public school.


Raine: Naguguluhan na talaga ako.


Jane: Tinakot ko lang sya..


At ikinwento ni Jane ang mga nangyari..


------------------------------------------------------------------------------------
FLASHBACK..


Jane: Hoy Bevelove..


Bevelove: Bakit Jane?


Jane: Bakit tayo magkaklase?


Bevelove: Hindi ko rin alam eh. 


Jane: Pumayag ako na dito ka kumuha ng exam para sa scholarship mo..pero hindi ako pumayag na maging magkakaklase tayo.


Bevelove: Hindi ko naman talaga sinadya yun Jane..pasensya na.


Jane: Wala din naman akong magagawa eh.


Bevelove: Jane, pumayag kana. Kailangan ko talaga 'to ehh.


Jane: Kung ganun..sabihin mong hindi ka galing sa LAMS. Sabihin mong galing ka sa isang public school.


Bevelove: Pero Jane..


Jane: Sundin mo nalang yung inuutos ko.


Bevelove: Makikita din yun sa school records ko.


Jane: Wala akong pakialam. At umasta ka na hindi tayo magkakilala.


Bevelove: Oo Jane.


Jane: Wag na wag kang magkakamali, kasi kung hindi..you will live hell and sasabihin ko sa Papa ko na tanggalin sa factory namin 'yung parents mo!


Bevelove: Oo Jane. I'm sorry.


Jane: Sige na. Umalis kana!


END OF FLASBACK..
------------------------------------------------------------------------------------


Nakaupo na sila matapos ikwento ni Jane ang ginawa. Pero si Hanna ay galit na galit pa ring nakatayo. Kibit-balikat lang sila sa inasta ni Hanna at patuloy pa rin sa pag-uusap.


Diane: You mean..nagtatrabaho 'yung parents nya sa inyo? And you have a factory?


Jane: Oo.


Diane: As in her mother & father?


Jane: Oo nga.


Aieven whisper something on Diane.


Aieven: See? She's not just a useless social climber. Magagamit natin 'yung pagiging employee ng parents ni Bevelove para sa panibago kong plano. And that benefits Hanna.


Diane: I know what you're thinking. May pang'blockmail tayo.


At nag'apir ang magkaibigan.


Galit na talaga si Hanna habang nakatingin sa dalawang nilalang na masayang nag-uusap. Sina Josh at Bevelove ang nakita nilang kumakain at masayang nagkukwentuhan. Ito na 'yung napagkasunduan ng dalawa sa garden kahapon. Samantala, nilapitan ni Hanna ang mga kaibigan para pagsabihan na imbes na magtawanan ay tulungan sya na guluhin ang pag-uusap nila Josh.


Hanna: Ano ba kayo? Hindi nyo ba ako tutulungan?


Jane: Para saan girl?


Hanna: Kung ayaw nyo..pwes, ako nalang.


Diane: Umayos ka nga. You're educated girl.


Aieven: Tama! Wag mong ipakita yang insecurities mo.


Hanna: Hindi ako insecure!


Aieven: Sa tingin mo magugustuhan ka ni Josh sa mga inaasal mo? Hindi lang sarili mo ang ipapahiya mo..pati si Josh & including us! Stop being childish..think before you act.


Hanna: Teka, bakit mas kinakampihan nyo pa si Bevelove kaysa sakin?


Aieven: Eh kung umupo ka kaya dyan? Mag-isip ka kung anong dapat mong gawin. Newbie pa lang yan sa A-Juniors..kaya kung may gagawin tayo dyan, guidance ang bagsak natin. 


Diane: Oo nga girl. Tsaka diba kaibigan sya nga half-brother mong bakla? Kung magsusumbong yun sa mom nyo..for sure, ikaw na naman ang kontrabida. A month grounded ka na naman. May comeback party pa naman si Chance. And Josh is invited.


Umupo si Hanna at huminahon sa sinabi ng mga kaibigan. May point sila sa mga posibleng mangyari. Spoiled brat sya kung maituturing pero kahit ganun, dinidisiplina parin sya ng kanyang mga magulang particularly her mom.

No comments:

Post a Comment