Friday, December 7, 2012
Unwanted Love (Chapter Ten)
Samantala, hindi man lang napansin nila Josh at Bevelove na may nakatingin sa kanila.
Josh: Hey, magkwento ka naman. Ako nalang nagkukwento lagi ehh.
Bevelove: Ahh ehh.. tungkol saan?
Josh: Tungkol sa sarili mo of course.
Bevelove: Ano?
(Bvelove's mind: Paano ba ya tn? Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya yung totoo. Patay ako ngayon. Nah, bahala na si batman.)
Josh: May tinatago ka ba? Ex-convict ka siguro noh? Or wanted ka doon sa Cebu.
Bevelove: Hindi. Galing ako sa Cebu. Sa isang publlic school lang. Mahirap lang kasi kami kaya hindi kaya ng parents ko na ipasok ako sa pribadong paaralan. (Bevelove's mind: Pagkamalan ba naman akong ex-convict at wanted? Sa ganda kong 'to?)
Josh: Pano ka naka pasok dito?
Bevelove: Scholar ako.
Josh: How about your parents?
Bevelove: Nasa Cebu sila. Nagtatrabaho sila sa isang factory.
Josh: Pano ka naman napunta dito?
Bevelove: Dito nakatira iyong Tita ko. Tsaka, may nawawala kasi akong kapatid kaya nung binigyan ako ng chance na makapunta dito, I grabbed it. Napag-alaman kasi namin na nandito siya.
Josh: I'm sorru. (Josh' mind: She's true to herself. She's not pretending. Ibang-iba sa mga babaeng nakilala ko.)
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-uusap g dalawa. Mas nakilala ng dalawa ang isat-isa. At mas naunawaan ni Josh kung ano angg buhay ng isang mahirap. Mula kasi sa pagkabata niya ayhindi siya nakaranas ng paghihirap. Hindi rin siya pinapayagan ng mommy niya na makihalubilo sa mga kapos.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkatapos nilang kumain ay pinuntahan agad nila ang kani-kanilang mga kaibigan. Pinuntahan ni Josh sina Aieven. Nakita naman agad ni Bevelove sina Anfherne. Kaya pinuntahan agad niya ang mga ito.
Anfherne: Uy friend. Kumusta yung 'getting to know each other' niyo ni Josh?
Bevelove: Ok alng.
Anfherne: Anong ok lang?
Bevelove: Ayos lang! Nag-usap, kumain, ganun..
Anfherne: Alam mo ba kung ano ang kasunod niyan?
Bevelove: Ano?
Anfherne: Exclusively dating. Ayeeih...
Bevelove: Malabo iyon! Ang laki kaya ng agwat namin.
Cherrylyn: Eh si Cj? Nandun ba siya?
Bevelove: Oo, pero umalis din.
Cherrylyn: Kaming dalawa kaya? Kailan kaya iyong time ng aming 'exclusive dating'?
Anfherne: Ambisyosa mo talaga. Hindi mangyayari iyon! Ni hindi ka nga pinapansin eh.
Cherrylyn: Ipakilala mo kasi ako. Diba business partners ang papa mo at daddy niya?
Anfherne: Hindi ko papa. Papa ni Hanna ang sabihin mo.
Cherrylyn: Pareho lang iyon. Sige na, please?
Anfherne: Ayoko nga.
Habang patuloy ang pagtatalo ng dalawa, napansin ni Bevelove na kanina pa hindi umiimik si Ryle. Nilapitan niya ito at tinanong.
Bevelove: Ok ka lang ba, Ryle?
Ryle: Oo naman. Bakit mo naman natanong iyan?
Bevelove: Napansin ko kasi kanina ka pa hindi umiimik diyan at mukha kang malungkot.
Ryle: Wala..
Anfherne: Naku Bevelove, malungkot iyan dahil hindi mo pinapansin. Andun na daw iyong atensyon mo kay Josh.
Ryle: Uy, hindi ko sinabi iyon.
Anfherne: Halata naman eh.
Bevelove: Alam mo Ryle, hindi ka naman mapapalitan dito sa puso ko eh.
Ryle: Talaga?? (Ryle's mind: Yess! May pag-asa na ako.)
Bevelove: Oo naman. Mag best friend yata tayo. Walang makakapalit sayo bilang best friend ko.
Hindi malaman ni Ryle kung ano ang nararamdaman. Magagalit ba siya sa kanyang best friend dahill hanggang kaibigan lang ang tingin sa kanya? O magiging masaya pa rin siya dahil kahit papaano ay may lugar pa rin siya sa puso ng dalaga?
Anfherne: Pero girl, aminin mo.
Bevelove: Ang alin?
Anfherne: Na may crush ka dun kay Josh.
Cherrylyn: Tumigil ka nnga. Andyan si Ryle ohh. (bumulong kay Anfherne)
Anfherne: Sige na nga. Tayo na Bevelove.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nasa loob na silang lahat nang may ini-anunsyo si Aieven...
Aieven: Guys, listen muna kayo. I have a party on Saturday next week. It's a night party. Starts at 8 PM and since Sunday naman on the next day, okay lang kahit na maabot tayo ng magdamagan. Ito iyong address ng bago naming house. 404-H, Villa Hermosa Village, San Juan.
Diane: May bago pala kayong house girl?
Aieven: Yah. It's a surprise from my Tito Ryan nung bumalik ako.
Nolito: Panu iyong mga assignments?
Aieven: Don't worry Lim Jr. Pinaki-usapan na din ng Tito ko si Ms. Claire at iyong ibang teachers natin na hindi muna magbigay ng homework.
Hanna: Alright! Sino ba yung mga invited?
Anfherne: I'm sure hindi tayo invited diyan.
Aieven: Wag mo nga akong unahan bakla ka! Kahit hindi kayo sosyal ng mga friends mo, you're still part of A-Junior kaya you're invited. Basta wag niyo akong ipahiya. Magbihis kayo and don't do anything that can ruin my house and party.
Hanna: What?! Invited iyan??
Aieven: Yup. Invited kayong lahat. I hope pumunta kayo. I want to see all of you. Don't worry, wala iyong parents ko. Yayas ko lang andun. Walang K.J. Thank You.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment